Sunday, June 5, 2011

Bakit nga ba ako naglalaro ng Cabal Online?


Bakit nga ba ako naglalaro ng Cabal Online?

Minsan, tinatanong ko din sa sarili ko,

"Bakit ka ba naglalaro niyan? Dati naman, nabubuhay ka na wala yan sa buhay mo."

Hindi ko din alam e. Basta mula nag maglaro ako ng Cabal, somehow, nakakapagrelax ako.

Madami na din akong nakilalang tao dahil sa larong ito. Marami na akong naging kaibigan, at naging kaaway.

Nakadiskubre na, iba't ibang klase pala ng tao ang pwede mong makilala sa larong ito.

Hindi lang pala mga isip-bata na gustong maglaro ang pwedeng maisipang maglaro nito.

May isang pamilya, mga elementary, high school, college, mga hindi nag-aaral, mga nagtatrabaho, mga walang trabaho, may mga asawa, may mga anak, may mga nag-iisa sa buhay.

Bawat isa sa kanila may ibang kwento, at tulad ko, nakahanap din sila ngcomfort sa paglalaro nito.

An escape from reality, a place, a world that is somehow connected to the real one, but much perfect and easier to live in.

Dito, pwede ka ding mangarap, maaari mo ding pagsumikapan ang bawat bagay na makukuha mo upang gumaling ang iyong kakayahan at lumakas ka sa pagharap sa bawat hamon ng larong ito.

Isang ideal world, na kung saan maaari kang maging malakas kahit na sa totoong buhay ay hindi mo kayang gawin.

Tulad sa tunay na buhay, hindi maiiwasang may mga masasamang loob na nais guluhin ang kapayapaan.

Minsan nga, nakakapagtaka, kung papaano nagagawa ng isang tao na magtiwala sa kapwa niya player sa larong ito.

Pero nagagawa nila. Nagagawa ko. May iba't ibang uri ng samahan nakung tawagin ay Guild at may Nation na kakampihan batay sa iyong pinaniniwalaang prinsipyo sa buhay.

Para din naman itong tunay na buhay,

iba lang ang itsura ng mga lugar, iba lang ang klima at panahon, iba lng ang pananamit, iba lang ang pakikisalamuha at estado sa buhay, iba lang ang oras at panahon, subalit isa din itong buhay na kung tawagin sa siyentipikong termino virtual o digital isang mundo na tulad din ng mundo natin, kailangang mabuhay, kailangang maka - SURVIVE.

Kung dati ay nag-oonline lamang ako dahil natutuwa ako sa mga graphics at itsura ng mga tauhan at lugar, may mas malalim na akong dahilan upang maglaro nito.

Naglalaro ako, para makasama ang mga taong kabahagi ko at nabubuhay sa loob ng mundong ito.

Mahalaga na sila sa akin kahit aminin ko pa iyon o hindi.

Pamilya na sila, parang sa tunay na buhay din, mga kumpare at kumare, ate at kuya, nanay at tatay, bunso, anak, kasintahan o kaflirtahan lang, katukayo o kasama sa trabaho(dungeon), kachikahan o kadebatehan, kakampi o kaaway.

Somehow, this game is real as well.

It helped me get through with my anger, my sorrow, and my worries.

Nainis ba ako sa isang tao sa totoong buhay? Isa lang siyang mob na papatayin ko ng paulit ulit sa town ng Pontus Ferrum mamaya habang nagpapalevel ako. Parang ganoon lang.

Salamat sa larong ito, kahit ba virtual lang ito, totoong mga tao din naman ang nakakasalamuha ko dito.

May mga isip at damdamin din sila.

Di rin sila naiiba sa akin.



. . . . . . . . . . . . . . . .

♥ dandiely ♥


Facebook * Instagram * Pinterest * Twitter * Wattpad * Artworks * LinkedIn * Google+ * Behance

No comments:

Post a Comment

Write your comment or message here.

Ads by Google